5

Jul 24, 2020 @ 17:48
By

Karamihan ng Pinoy na sumusunod sa health protocols vs COVID, bumaba

Lumabas sa survey na karamihan ng mga Pilipino ay ginagawa ang mga prevention measure laban sa coronavirus disease 2019.

Sa Social Weather Stations (SWS) mobile phone survey mula July 3 hanggang July 6, 76% ng Pinoy ang nagsabi na palagi silang nagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay, 65% ang laging naghuhugas ng mga kamay habang 59% ang sumusunod sa physical distancing o isang metrong pagdistansiya sa mga tao.

Nagsibabaan ito kumpara sa May survey, kung saan 77% ng adult Filipinos ang nagsabi noon na nagsusuot sila palagi ng face mask habang 68% ang naghuhugas ng kamay.

Mataas ang porsiyentong naitala sa July survey sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?