87

Feb 2, 2019 @ 16:44
By

Karamihan ng Pinoy matabang na sa pagte-text – DICT

Paunti na umano nang paunti ang bilang ng mga Filipino na nagpapadala ng kanilang mensahe sa pamamagitan ng text messaging.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Eliseo Rio, karamihan umano ng mga cellphone users sa bansa ay lumipat na sa mas advanced na teknolohiya gaya ng online chats at messenger apps.

Sa SMS o short message service umano ay maaari ka lang makakontak sa person-to-person pero sa social media umano ay maaari mo pang i-broadcast ang sarili mo.

Kamakailan lang lumabas sa pag-aaral na ang mga Filipino ay numero unong internet at social media users sa buong bansa sa kabila na ang Pilipinas ay may pinakamabagal na internet connection worldwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?