38

May 7, 2021 @ 19:28
By

Karamihan ng Pinoy ‘lakad mode’ pagpasok sa trabaho

Maraming Pilipino ang nagsabing mas hirap sila sa pagpasok sa trabaho ngayon kumpara noong wala pang pandemya.

Sa isinagawang Nov. 21-25, 2020 survey ng Social Weather Stations na inilabas ang resulta ngayong Biyernes, 42% ng mga Pilipino (na hindi home-based ang trabaho) ang nagsabing “napakahirap” ang pagpasok nila sa trabaho habang 28% ang nagsabing katulad din ito ng dati.

Tinanong din ang may 1,500 respondents kung anong uri ng transportasyon ang madalas nitong ginagamit upang makapunta sa trabaho?

44% ang nagsabing naglalakad lamang sila patungong trabaho, na siyang pinaka-karaniwang paraan ng pagtungo sa trabaho sa panahon ng pandemya.

Sinundan ito ng motorsiklo (24%), tricycle (14%), jeepney/multi-cab (8%), bisikleta (5%), bus (3%), private car (3%) at motorboat/banca (1%).

Pinakamaraming hirap sa pagpasok sa trabaho sa Mindanao (60%), sumunod sa Visayas (48%), Metro Manila (36%) at Balance Luzon (27%).

Paglalakad din ang pinaka-karaniwang paraan ng pagpasok sa trabaho sa Mindanao sa 58%.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?