14

Feb 26, 2021 @ 17:02
By

Karamihan ng Pinoy gusto palakasin ugnayan ng PH, US – CDO rep

Umapela si Deputy Speaker Rufus Rodriguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na hayaang magpatuloy ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Rodriguez, pabor siya at ang kanyang mga constituent sa ikalawang distrito ng Cagayan de Oro (CDO) na magpatuloy ang VFA.

“The President wants to feel the public pulse on the VFA. I think most Filipinos not only support the agreement but want the government to strengthen Philippine-US relations,” ani Rodriguez.

Nauna rito ay humingi ng tulong si Duterte sa taumbayan sa pagdedesisyon kung ano ang gagawin sa VFA.

Paliwanag ni Rodriguez, malapit ang mga Pilipino sa mga Amerikano dahil sa dekada nang ugnayan nito.

Milyon din ang bilang ng mga Pinoy na nasa Amerika.

Mayroon ding tiwala ang mga Pilipino na sasaklolo ang mga Amerikano sa panahon ng kagipitan gaya ng naipakita na nito sa nagdaan katulad nang manalasa ang bagyong Yolanda.

Sa kabila ang pagpabor ng mga polisiya ng gobyerno sa China, sinabi ni Duterte na mas pinagkakatiwalaan pa rin ng mga Pinoy ang Amerika.

“In contrast, they do not trust the Chinese, especially in the wake of their aggressive activities in the West Philippine Sea and inside our 200-mile exclusive economic zone, most of which Beijing illegally claims as part of its territorial waters,” saad ng solon.

Pabor naman si Rodriguez sa panawagan si Duterte na lakihan ang tulong na ibinibigay ng Amerika sa bansa.

“It’s a reasonable proposal. The President wants fair treatment, comparable to what America is giving its other allies in this part of the world,” wika pa ni Rodriguez.

Noong Pebrero 2020 ay nagpadala ng notice ang gobyerno kaugnay ng abrogasyon ng VFA. Sinuspendi naman ni Duterte ang pagpapatupad ng abrogasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?