33

Karamihan ng Pinoy, ‘di gumagamit ng seatbelt

Sharing is caring!

Hindi umano sumusunod sa Seatbelt Law ang karamihan sa mga Pinoy kung saan umabot na sa P80 milyon ang nakolektang multa dito ng Land Transportation Office (LTO) ng nakaraang taon.

Sinabi umano ni Atty. Roberto Valera, hepe ng traffic safety department ng LTO, ibinigay na nila umano sa Department of Budget and Management (DBM) ang halagang ito na planong gamitin sa kampanya sa pagpapakalat ng impormasyon sa kahalagahan ng paggamit ng seatbelt.

Ayon sa Carmudi Insider, malaki ang pakinabang sa paggamit ng seatbelts, una na rito ang pagsalba ng buhay ng isang tao mula sa hindi inaasahang pagbangga ng kanilang sasakyan o mga aksidente.

Ayon pa rito, ilan sa mga rason ng mga drayber kung bakit hindi gumagamit ng seatbelt ay dahil malapit lang naman umano ang kanilang pupuntahan habang ang iba naman ay nakakalimutan na gumamit nito.

Mayroon namang nagsabi na hindi sila kumportable dito at may nagrason pa na hindi na ito kailangan dahil may airbags naman ang kanilang sasakyan.

Kahit anupamang rason ay hindi umano katanggap-tanggap sa seatbelt law na nagsasaad na gumamit ang lahat ng motorista, mapa-pribado man o pampublikong sasakyan, ng seatbelts.

May multang mula P1,000 hanggang P5,000 ang hindi pagsunod sa batas na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?