26

By

Karamihan ng Pinoy, ayaw sa Charter change – Pulse Asia

Sharing is caring!

Lumabas sa ginawang survey ng Pulse Asia na maraming Pinoy ang hindi aprub na baguhin ang Saligang Batas.

Sa resulta ng isinagawang survey sa Charter change mula Marso 23-28, 64 porsiyento ang hindi pabor na baguhin o amyendahan ang 1987 Constitution.

Tumaas ito ng 20 points mula sa dating 44% sa isinagawang Pulse Asia survey noong 2016.

Samantala, 66% naman ang ayaw na gawing pederalismo ang uri ng gobyerno.

Tinanong ng Pulse Asia ang may 1,200 respondents nang personal, na may edad 18 pataas.

Gumamit ito ng margin of error na plus-or-minus 3 percentage points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?