15

Jul 10, 2021 @ 14:26
By

Karamihan ng COVID death sa Baguio hindi bakunado

Iniulat ng Health Services Office (HSO) na karamihan ng mga pumanaw dahil sa coronavirus sa Baguio City ay hindi bakunado.

Sa PNA report, sinabi ni Dr. Rowena Galpo, HSO chief, na batay ito sa baseline data ng mga bagong namatay dahil sa virus.

Sinuri ang datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit at Management Information Technology Division ng City Mayor’s Office.

Magsasagawa rin aniya ng katulad na pagsusuri sa mga bagong nagpositibo upang mabatid kung sino sa mga ito ang wala pang COVID-19 jab.

Kamakailan sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na 90% ng malalang COVID case sa lungsod ay mga indibiduwal na hindi pa natuturukan laban sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?