33

Jun 10, 2020 @ 16:45
By

Karamihan ng bagong COVID case, naitala sa Central Visayas – DOH

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang mga posibleng dahilan kung bakit nakapagtala na ng mas maraming fresh case ng COVID-19 infection sa Central Visayas kumpara sa Metro Manila.

“We are studying the state of Central Visayas because admittedly if you look at our data these past few days, it has exceeded [Metro Manila] in some of the days that we have reported. But we can’t be certain yet on our interpretation. We have to be cautious,” wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kabuuang 1,937 fresh cases na nai-record sa nakalipas na linggo, 850 aniya ay mula sa Central Visayas habang 524 sa Metro Manila.

Ang mga fresh case ay iyong positive result ng test na nailabas sa pasyente sa loob ng tatlong araw.

Samantala, nananatiling nangunguna ang Metro Manila sa mga late case, o iyong apat na araw pataas ang nakalipas bago nailabas ang pagpositibo ng pasyente.

Sa kabuuang 1,899 late case, 552 ay mula sa Metro Manila habang 364 sa Central Visayas.

Ang Central Visayas ay kinabibilangan ng Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?