Karambola ng 4 na sasakyan sa Nagtahan flyover, 2 sugatan

Sharing is caring!

Nasugatan ang dalawang babae sa karambola ng apat na sasakyan sa paanan ng Nagtahan Flyover sa Sampaloc, Maynila.

Nawalan umano ng preno ang isang trak ng basura kaya inararo nito ang mga nasa unahan na isang Ford Ranger, isang Toyota Vios at isang 22-wheeler truck na may kargang mga softdrinks, ayon sa DZMM.

Na-sandwiched naman ang SUV at isa pang kotse sa unahang trailer truck ng Coca-Cola.

Ayon kay PO1 Jessie Ruallo ng MPD Station 4, galing ng Lacson Street ang garbage truck nang mawalan ng preno pababa kaya ang impact nito’y tumama sa Ford Ranger na tinamaan ang VIOS at saka tumama sa 22-wheeler truck.

Wasak na wasak umano ang SUV at kotse kung saan dinala sa UST Hospital ang nasugatang driver ng Vios na si Maria Isabel Martin.

Bahagyang nasaktan at na-trauma naman ang drayber ng Ford na si Maria Theresa Ferriol.

Hindi naman nasaktan ang drayber at pahinante ng trailer truck.

Sumama na sa mga pulis para sa imbestigasyon ang tsuper ng trak ng basura na si Dominador Tuplado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?