Karagatan ng Pinas, bida sa Google doodle

Sharing is caring!

Nakidiwang ang Google sa 120th Independence Day ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtampok nito sa karagatan ng bansa sa kanilang logo.

Ngayong Martes, Hunyo 12, makikita ang Google Doodle na may makulay na marine life ng Pilipinas at may kulay din ng watawat sa ilalim.

“The Doodle captures the underwater depths with an image of the seabed, explored by Moorish idols (the yellow striped fishes), blue spotted stingrays, and a sperm whale. Coral reefs, which serves as habitat to these aquatic species, break the blue waters with its bright colors,” ayon sa pahayag ng Google Philippines.

Kinokonsidera na sentro ng marine biodiversity sa buong mundo ang Pilipinas dahil sa mahigit 2,000 aquatic species at corals na mayroon ito.

Naitampok na noon ng Google Philippines ang Jeepney, Bayanihan, at Aguinaldo Shrine sa Independence Day ng bansa habang naibida na rin dito ang mga Pinoy na sina Levi Celerio at Francisco Baltazar. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?