kara-david

Kara David ikinasal na sa Pampanga

Sharing is caring!

Opisyal nang misis si award-winning Kapuso reporter Kara David ni singer-song-writer LM Cancio matapos ikasal ang dalawa sa simpleng seremonya na ginawa sa St. James the Apostle Parish Church sa Betis, Pampanga nitong Sabado, Enero 6.

Naging magkasintahan sina David at Cancio noong Mayo 2015.

Nitong Disyembre ng nakaraang taon ay nagsagawa si 24 Oras news anchor Mel Tiangco at ilan pang kaibigang reporter ni Kara ng isang bridal shower.

May mga ipinosteng larawan sa social media kung saan makikita ang eleganteng wedding gown ni Kara.

Isinalarawan ng kapwa GMA reporter nito na si Mariz Umali sa Twitter na “beautiful and solemn” ang kasal nina Mr. and Mrs. Cancio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?