362

Nov 9, 2017 @ 20:42
By

Kapwa akusado ni Narc Delemios sa pagpatay sa binatilyo, naaresto na

Nadakip na ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang suspek sa pagpatay sa 19 na taong gulang na si Gino Balbuena kahapon.

Kinilala itong si Jeric Lim, 25-anyos, residente ng Barangay 190, Pasay City, na kapwa akusado ni Narc Delemios, ang suspek rin sa pagpatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato Jr.

Ayon kay Supt. Jonathan Calixto, hepe ng Task Force Limbas ng PNP-HPG, inaresto nila ang suspek sa SM Dasmariñas Cavite sa pamamagitan ng warrant of arrest na hawak nila dahil sa kasong murder.

“Utos ng aming director to conduct full blast investigation regarding sa nangyari sa Grab driver so we find it out itong si Narc Delemios may kasama pa siya lalaki ito si Jeric Lim at napag-alaman namin na may previous case si Delemios, ito ay ang pagpatay kay Gino Balbuena,” sabi ni Calixto.

Si Balbuena ay pinatay umano nina Lim at Delemios dahil lamang sa larong basketball noong 2014 at nakapag-release ang korte ng warrant of arrest noong 2015.

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng PNP-HPG si Lim. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?