221

Kapuso wagi vs Kapamilya sa Nielsen

Sharing is caring!

Patuloy na lumalaki ang kalamangan ng GMA Network sa nationwide ratings.

Ayon sa August data (kung saan base sa overnight data ang Agosto 26 hanggang 31) mula sa Nielsen TV Audience Measurement, nakakuha ang Kapuso Network ng 42.6 percent sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) na tumalo sa 36.2 percent ng ABS-CBN.

Makikita rin na panalo ang Siyete sa lahat ng dayparts kontra Dos. Nakakuha ng 38.9 percent people audience share ang GMA sa morning block samantalang 34.2 percent naman ang sa ABS-CBN.

Pinakamalaki naman ang nakuhang lamang ng GMA sa afternoon block matapos nitong magtala ng 44.3 percent audience share kumpara sa 34.9 percent ng kabilang network.

Wagi rin ang GMA sa evening block kung saan 43 percent ang nakuha nito habang 37.9 percent lang ang sa ABS-CBN.

Sa listahan ng top 10 programs sa NUTAM, 7 spots ang nasungkit ng GMA kung saan Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) pa rin ang most watched Kapuso program. Sumunod ang Kambal, Karibal, Pepito Manaloto, 24 Oras, Victor Magtanggol, Onanay, at Magpakailanman.

Pasok din sa listahan ng top-rating programs nitong nakaraang buwan ang The Clash, Daig Kayo ng Lola Ko, Amazing Earth, Inday Will Always Love You, 24 Oras Weekend, Wowowin, Imbestigador, Eat Bulaga, Sunday Pinasaya, at Kapuso Movie Night.

Samantala, nananatili pa ring balwarte ng Kapuso Network ang mga viewer-rich area ng Urban Luzon at Mega Manila, na bumubuo sa 72 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa.

Nakapagtala ang GMA ng 48 percent average total day people audience share sa Urban Luzon, habang 30.2 percent lang ang sa ABS.

Base naman sa official data mula Agosto 1 hanggang 25, lalo pang tumaas ang lamang ng Kapuso Network sa Mega Manila matapos nitong makakuha ng 49.4 percent na malayo sa 27.7 percent ng Kapamilya.

Naghari rin ang Kapuso shows sa top-rating programs list ng Urban Luzon kung saan 9 spots out of the top 10 ay nagmula sa GMA habang pinakyaw naman nito ang buong top 10 list ng Mega Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?