312
abante crime kill
Apr 26, 2019 @ 13:56
By

Kapitbahay tinawag na matandang manyak, babae pinagsasaksak

Tatlong beses sinaksak ng isang lalaki ang babae niyang kapitbahay matapos siyang tawagin na matandang manyak.

Hindi napuruhan at kasalukuyan na umanong nagpapagaling sa ospital ang biktimang si Analyn Burac Paduala, 45.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo si Paduala at suspek na si Recarter Pelone Elew, 60, pasado alas-otso ng umaga noong Huwebes sa Purok 22, Barangay Dalipuga sa Iligan City.

Naasar umano si Elew nang sigawan ng biktima at tawaging matandang manyak.

Nauna na umanong nagka-barangayan ang dalawa nang paluin ni Paduala ang misis ni Elew ng kadena na nagresulta ng pag-collapse nito.

Nakatakda umanong sampahan ng kasong frustrated murder ng mister ni Paduala laban kay Elew.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?