26

Jul 28, 2021 @ 12:14
By

Kapitan tinambangan tepok

Matapos magsaya sa kasal ng kanyang anak ay tinambangan at pinagbabaril ng ‘di pa nakikilalang suspek ang isang barangay captain sa Maguindanao nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Badawi Kusain, 45-anyos, at kapitan ng Barangay Ambadao sa bayan ng Shariff Aguak.

Nakasakay umano sa kanyang sasakyan si Kusain galing sa kasal ng kanyang anak ng tambangan ng mga suspek dakong alas-1:30 p.m. ng hapon sa may welcome rotonda.

Tinadtad ng bala ang biktima mula sa isang caliber .45 pistol na agad nitong ikinamatay.

Nakaligtas naman sa pangyayari ang pamangkin niya na si Rasul Sindi, na siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente, at isa sa mga anggulong kanilang tinitingnan ay away-pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?