83

May 9, 2021 @ 16:24
By

Kapitan sa Cagayan binaril, tepok

Isang barangay captain sa Buguey, Cagayan ang patay matapos pagbabarilin ng dalawang ‘di pa nakikilalang lalaki nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Renante Ritarita, kapitan ng Barangay Fula sa nasabing bayan.

Ayon sa awtoridad, sakay si Ritarita ng kanyang mini-dump truck at pauwi na sana sa kanyang tahanan nang tambangan dakong alas-4:45 p.m. ng hapon.

Batay sa testimonya ng mga saksi, naka-maskara ang mga suspek at bumaba umano sa isang kotse upang barilin ang biktima. Matapos ang pangyayari ay nagtago sa damuhan sa paligid ng crime scene ang gunmen at agad ding nakatakas.

Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang 16 empty shell ng M-16 armalite at ang bag ng biktima na naglalaman ng P11,890 cash, dalawang magazine para sa .45 caliber pistol, isang cell phone at isang handheld radio.

Isinailalim na sa imbestigasyon ng awtoridad ang naturang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?