385
views

By

Kapitan ng barangay sa Oriental Mindoro, todas sa ambush

Sharing is caring!

Patay ang isang barangay captain nang pagbabarilin sa Brgy. Kalinisan, Naujan, Oriental Mindoro kagabi.

Kinilala itong si Armando Datingguinoo Gida, 49-anyos, kasalukuyang punong barangay ng Brgy. Kalinisan.

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentibo, alas-7:25 ng gabi pauwi na sa kanyang bahay ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at may suot sumbrero at jacket.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Isinugod pa ito sa pagamutan pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Naujan Municipal Police Station para makilala at madakip ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?