162

May 6, 2020 @ 13:34
By

Kapitan nanabik sa alak, inaya ang mga taga-barangay hall

Arestado ang kapitan, tatlong kagawad at tatlong barangay tanod matapos silang mahuling nag-iinuman sa harap mismo ng barangay hall sa Barangay Dulag, Lingayen, Pangasinan noong Lunes, ayon sa Lingayen Police Station (LPS).

Kinilala ni LPS chief-of-police P/Maj. Edgar Serguiña ang mga suspek na sina Benjie Mararac, barangay chairman ng nasabing barangay, kagawad nitong sina Jarwin Camilang; Arthur Rosario at Eigie Mararac kasama ang barangay tanod na sina Jaime Ferrer, Rubin Mangiralas at ilang nagngangalang “Harold”, pare-parehong residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, ayon kay Serguiña, ang kapitan umano ang nag-ayang uminom sa harap ng kanilang barangay hall at isang concerned citizen ang tumawag sa LPS at sinabing nag-iinuman ang mga suspek sa nasabing barangay hall na halos natatakot na ang mga residente upang makipagtransaksyon.

Ayon sa LPS, ayon sa mga resident ng Barangay Dulag, sa gitna ng kanilang pag-iinuman, nagpaputok pa raw ng baril si barangay chairman Mararac ng baril na binunot niya sa kanyang baywang.

“Nagkaroon din po ng kunting komosyon, dahil ayaw nilang mag pahuli dahil naka duty daw sila as barangay officials,” ani Serguiña.

Samantala, ayon kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, hindi niya palalampasin ang ginawa ng mga suspek.

“Tayo dapat ang nangunguna sa pagpapatupag ng batas huwag po sana tayong sumuway upang ang ating taumbayan at respetuhin at sumunod sa ating patakaran,” ani Bataoil.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa LPS at patong-patong na kaso ang isinampa laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?