15

Apr 8, 2021 @ 16:52
By

Kapitan, kagawad na madaya sa ayuda hinahanting ng DILG

Aktibo ang Department of the Interior Local Government (DILG) sa paghahanap sa mga opisyal ng barangay na sangkot sa pagmanipula ng Social Amelioration Program (SAP).

Kasabay nito’y binalaan ni Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang mga kapitan at kagawad na maaaring mademanda at masibak sa trabaho kapag napatunayang nandaya sa SAP.

“Araw-araw meron tayong sinususpinde’t tinatanggal, at araw-araw nagpa-file tayo ng case. Ngayon may naka-pending akong 500 na mga barangay official,” lahad ni Diño sa panayam sa Teleradyo ngayong Huwebes.

“Kap, kagawad, ‘pag napatunayan namin ‘to, magbalot-balot ka na, dahil talagang affidavit lang ‘yung kailangan ko,” dagdag ni Diño.

Patuloy pa niya, “‘Pag nakita ko ‘yung payroll, na hindi naman pala qualified ay ni-recommend n’yo at in-approve n’yo, you can say goodbye to your position.”

Matatandaang mayroon nang 89 opisyal ng barangay ang nasuspinde noong nakaraang taon dahil sa anomalya sa ayuda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?