60

Jun 9, 2021 @ 16:03
By

Kapitan, itinumba ng riding-in-tandem

Binoga ng riding-in-tandem ang isang barangay captain sa Lipa City, Batangas nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Cesar Catibog, 68 anyos, at kapitan ng Barangay Pagolingin East.

Ayon sa ulat ng pulis, bumaba sa sinasakyang barangay patrol si Catibog sa may Torres Street sa Barangay 6 dakong alas-7:40 a.m. ng umaga.

Bigla na lamang daw dumaan ang dalawang lalaking nakasakay sa isang Honda Beat na motor at pinagbabaril ang biktima, kung saan isa sa mga tama ay sa noo.

Sinugod pa si Catibog sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival.

Samantala, agad nakatakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?