75

Jun 15, 2021 @ 19:33
By

Kapitan, 3 pa nasabugan ng dinamita dedbol

Nasawi ang isang barangay chairman at tatlo pang residente matapos ang pagsabog ng dinamita sa bahay ng una sa Balud, Masbate.

Ayon sa ulat, naganap ang pagsabog sa bahay ni Barangay Pajo Chairman Lina Recto bandang ala-una ng hapon nitong Martes, June 15.

Kinilala ang tatlo pang nasawi na sina Macmac dela Cruz, Ronilyn Bulala at Aiza Sese, habang pito pa ang sugatan.

Iniimbestigahan na kung saan galing ang dinamita, na kadalasang ginagamit sa iligal na pangingisda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?