839

Oct 29, 2019 @ 9:49
By

Kapit lang, kosa: Loonie nag-concert sa kulungan

Hindi napigil ng kanyang pagkakaaresto ang pagkahilig ni FlipTop rapper Marlon Peroramas alyas “Loonie” sa tula at musika nang magtanghal ito sa kanyang mga kakosa sa Makati City Jail.

https://youtu.be/XBN-yUsy48M

Sa isang pitong-minutong video mula kina Jeffrey Parido Pallan at Zhenre Zei, pinaskil ng Hiphop Heads TV nitong Oktubre 27, makikita si Loonie na naka-itim na jacket at game na game na nag-rap sa mga nakadilaw na bilanggo sa Makati City Jail.

Inalay ng FlipTop artist ang kanyang mga hit rap songs na “Tao Lang” at “Balewala.”

Nag-alay din siya ng tula para sa kanyang mga nahihirapang kakosa, at sinabing “kumapit lang” sa buhay.

“Malapit nang maubos ang lubid ko, subalit maaari ko pa ring buhulin ang dulo at kumapit! Kapit lang, kosa,” saad ni Loonie.

Setyembre 2019 nang maaresto siya, ang kanyang kapatid, road manager, driver at isa pa at nasabat umano mula sa condo nila ang ilang pakete ng kush o high-grade marijuana.

Tinanggi niya ito, at sinabing hindi sa kanila ang nakumpiskang iligal na droga.

Set-up lang din ang tingin ng kanyang mga fan sa nasabat sa buy-bust at nanawagan kamakailan ng #FREELOONIE.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?