165

Nov 8, 2017 @ 12:22

Kapatid ni Lonzo Ball, 2 pa tiklo sa pag-shoplift sa China

Tatlong miyembro ng UCLA Bruins basketball team ang inaresto sa China dahil sa pag-shoplift sa isang tindahan doon.

Sa report ni Jeff Goodman ng ESPN.com, kasama si LiAngelo Ball, kapatid ni Angeles Lakers point guard Lonzo Ball, sa mga UCLA players na dinakip ng mga pulis sa China.

Ang dalawang iba pa ay sina forward Cody Riley at freshman na si forward Jalen Hill.

Nangyari ang pagnanakaw sa Louis Vuitton store malapit sa isang hotel kung saan naka-check ang UCLA basketball team.

Kung mapatunayang nag-shoplift, maari silang makulong ng tatlo hanggang 10 taon sa China.

Ang pagdakip sa tatlo ay nangyari bago ang kanilang unang laban sa Georgia Tech Yellow Jackets na gaganain sa Shanghain, China sa Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?