77
ABANTE-TNT-napoles-discount
By

Kapatid ni Janet Napoles, ‘di lusot sa Malampaya fund scam

Sharing is caring!

Tuloy ang paglilitis ng Sandiganbayan sa kapatid ni Janet Lim Napoles na si Reynald Lim sa kanyang mga kaso kaugnay ng P900 million Malampaya fund scam.

Ito’y matapos tanggihan ng anti-graft court 3rd Division ang hirit ni Napoles na mabasura ang 97 bilang ng kasong graft at malversation.

Sa mosyon ni Lim na nagpapabasura sa mga kaso, iginiit nito na walang pruweba ang prosekusyon na nakipagsabwatan siya sa ibang indibidwal na dawit sa Malampaya fund scam cases.

Hindi rin umano siya opisyal ng gobyerno kaya hindi siya maaaring panagutin sa naturang anomalya.

Pero sinopla ng korte ang mga katuwiran ni Lim.

Ayon sa 3rd Division, malinaw naman ang detalye ng alegasyon laban kay Lim sa information ng kaso at naaayon ito sa requirements na itinatakda ng revised rules of court.

Gayundin, kahit umano pribadong indibidwal ay maaaring litisin at hatulan ng Sandiganbayan kung ito ay nakipagsabwatan sa mga taga-gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?