605
Kapatid ng One Direction member, patay sa atake sa puso
By

Kapatid ng One Direction member, patay sa atake sa puso

Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ni One Direction member Louis Tomlinson matapos ma-cardiac arrest ang 18-anyos niyang kapatid na si Félicité Tomlinson.

Yumao umano si Félicité noong Miyerkoles sa kanyang studio apartment sa London.

Nag-collapse ito matapos atakehin sa puso at isa sa mga kasama sa apartment ang siyang tumawag ng ambulansiya.

Hindi na nai-revive si Félicité at idineklarang dead on the spot.

Wala umanong anumang problema sa puso si Félicité pero noong Enero ay nag-post ito sa social media ng tungkol sa paghinto na niya sa pag-inom at paninigarilyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?