182

Oct 19, 2020 @ 15:56
By

Kapatid daw nagkamali! 70 FB admin binawi ni Pialago

Maraming netizen ang napatanong sa comment ng Facebook page ni Metro Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago kung saan sinabi nito na abot daw sa 70 ang admin ng kanyang social media page.

Sa panayam sa TeleRadyo, nilinaw ni Pialago na nagkamali lang ang kanyang kapatid sa naturang comment at hindi totoo na aabot sa 70 ang kanyang admin.

Aniya, pito lamang umano ang administrator ng kanyang Facebook page, kasama na dito ang dalawa pa niyang kapatid.

“Wala po akong pinapasahod na admin, most of them are personal assistant, staff, and 2 brothers,” saad ni Pialago.

“On that point I would like to apologize, di po na-check ‘yan at di ako naging responsible on that matter.”

Matatandaan na maraming nang-bash kay Pialago dahil sa naging patama nito sa mga nakisimpatya kay political detainee Reina Mae Nasino, kung saan nilarawan niya na ginagawang ‘dramaserye sa hapon’ ang libing ng anak ng aktibista.

Giit ni Pialago, hindi siya magso-sorry sa naging trato ng Bureau of Jail Management and Penology, kung saan umabot sa 43 ang nagbantay sa libing ng sanggol ni Nasino.

“Dun naman po sa pamilya, kung magaapologize po ako sa salita na drama serye sa paghihinagpis niya bilang isang ina, I’m sorry. But for who you are, kung sino ka, kung bakit ka madaming security that I won’t apologize,” lahad ni Pialago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?