16

Feb 8, 2021 @ 22:55
By

Kapasidad sa simbahan pinag-aaralan nang dagdagan

Posibleng masama sa pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases nitong linggo ang apela na taasan na ang bilang ng mga taong papayagang dumalo sa mga religious gathering.

“The IATF may include the request of the bishops for a higher limit in the agenda of its next meeting,” pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Inaasahang magpupulong ang IATF sa Martes o sa Huwebes.

Sa kasalukuyan ay 30% kapasidad sa mga religious activity ang pinapayagan ng gobyerno sa mga lugar na nasa general community quarantine habang 50% naman sa mga modified GCQ area.

Isa sa mga humihiling na dagdagan ang church capacity ay si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.

Aniya, kailangan ng mga tao ang serbisyo ng simbahan upang makaya ang pandemya dahil malaki ang maitutulong ng mga religious service upang mapalakas ang espirituwal at mental na aspeto ng mga ito.

Ipinunto rin niya na walang naiulat na pagsirit ng coronavirus infections dahil sa mga religious activity gaya ng Simbang Gabi at pista ng Nazareno, at kailangan lamang aniya ay sumunod sa mga minimum health protocol ang marami.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?