101

Mar 7, 2021 @ 15:33
By

Kapangyarihan ng PDIC magtaas ng bank deposit insurance OK sa Kamara

Inaprubahan ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang panukalang pagtataas ng maximum deposit insurance coverage (MDIC) ng perang inilagak sa bangko.

Tinalakay ng komite ang House Bill 5812 na akda ni Makati City Rep. Luis Campos upang itaas sa P1 milyon ang kasalukuyang P500,000 MDIC na itinakda may 12 taon na ang nakakaraan.

Sa halip na ang panukala ni Campos, ang inaprubahan ng komite ay ang pagbibigay ng kapangyarihan ng Kongreso sa Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) na itaas ang MDIC kada tatlong taon. Ang halaga ng itataas ay depende sa inflation at itatakdang economic indicators.

Sumang-ayon si Campos sa pag-amyenda sa kanyang panukala at sinabi na mas mabuti ito dahil hindi na kakailanganing dumaan sa Kongreso tuwing itataas ang MDIC.

“This relieves Congress of having to worry about adjusting upward the MDIC every now and then to account for the general increase in prices,” Campos, a committee member,” ani Campos.

Noong 1984 ang MDIC ay P40,000. Itinaas ito ng Kongreso sa P100,000 noong 1992, P250,000 noong 2004 at P500,000 noong 2009.

Ang mga bangko ay nagbabayad ng insurance premiums sa PDIC. Kung malulugi ang bangko, babayaran ng PDIC ang mga depositor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,