111
suspects-blind-item
By

Kapamilya teen star kinompronta ang Kapuso young star dahil sa controversial actor

Sharing is caring!

Insecure ba ang isang baguhang Kapamilya na artista sa isang dating child star na Kapuso actress na ngayon?

Base sa text message ng Kapamilya teen star sa sumisikat na Kapuso young star, mukhang pinagdududahan nito ang dyowa niya na nakikipagpalitan ng text messages dito.

Hindi sila close ng pinagdududahan niya, pero gumawa ito ng paraan para malaman ang phone number niya para lamang alamin kung nagmemensahe sa kanya ang bf niya.

Controversial ang lalaking ito dahil sa binangga nito ang isang sikat na aktor dahilan upang mawalan siya ng proyekto.

Nagulat nga ang Kapuso young star nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Kapamilya teen star kung saan tinatanong siya kung nag-uusap daw sila ng dyowa niya. 

Siyempre, idinenay niya ito dahil wala naman talaga silang communication or whatsoever.

Hay naku!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?