270

Jul 23, 2020 @ 9:40

Kapamilya reporter nagpatama sa GMA

Tila kaluluwa umano ang mga mamamahayag mula sa ibang network para sa GMA News.

Wika ni ABS-CBN journalist Jeck Batallones sa Twitter, “Kumpleto attendance ng mga network kahapon pero may umangkin pa rin ng exclusive.”

“Ano kami mga kaluluwa? (emoji: thinking face),” aniya pa.

Hindi naman pinangalanan ng Kapamilya journalist ang tinutukoy na media outlet, kahit pa usisain ng mga kapwa niya reporter sa ABS-CBN.

Samantala, iisa ang hinuha ng mga netizen na binabanggit ni Batallones: ang GMA News.

Ito umano ay tungkol sa larawan ng pumanaw na high-profile inmate na si Jaybee Sebastian dahil umano sa COVID-19, na pinresenta ng Bureau of Corrections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?