Nagpasabog ng positivity ang mga artist mula sa iba’t ibang network nang awitin nila ang ‘We Heal As One’ sa gitna ng pakikipaglaban ng bansa sa coronavirus disease (COVID-19).
Kabilang sa mga singer na nakiisa dito ay sina Lea Salonga, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Martin Nievera, Jed Madela, KZ Tandingan. Gayundin ang mga coach sa The Voice na sina Apl de Ap Bamboo at Sarah Geronimo na pawang mga talent sa ABS-CBN.
Kasama nila ang mga GMA artist na sina Aicelle Santos, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, Alden Richards, Ken Chan, at Christian Bautista.
Sinulat ni National Artist for Music Ryan Cayabyab ang kanya kasama nina Floy Quintos at Jimmy Antiporda.
Sila rin ang nasa likod ng kanta na ‘We Win As One’ na ginamit bilang opisyal na theme song ng 2019 Southeast Asian Games.
Na-touch naman ang mga netizen sa pagsasama ng network sa ginta ng nararanasang pandemic:
Watching the song “We Heal As One” sang by filipino singers from both @ABSCBN @gmanetwork made me a bit emotional. I hope, together, we heal as one battling this pandemic☝️❤️#WeHealAsOne pic.twitter.com/XhlxAtNrJI
— jay #MassTestingNowPH #NoToSpecialPowers (@jyrn28) March 26, 2020
Goosebumps while listening to “WE HEAL AS ONE”! ?❤️
— Richelle Anne Gayo (@riannegayo) March 26, 2020
Seeing the artists of ABSCBN and GMA network united together to sing “We heal as one” means so much.
— Chrisa (@garciajanellas) March 26, 2020
from We Win as One to We Heal as One, let’s go ?? ipanalo natin ulit ang laban na ‘to!!
— dias (@cristyamon) March 26, 2020
(AMF)