91

Dec 29, 2017 @ 16:53
By

Kapalpakan ng Mandaluyong Police, imbestigahang mabuti – Palasyo

Nais ng Malacañang ang full investigation sa naganap na shooting incident sa Mandaluyong City na ikinasawi ng dalawa katao.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi sapat na madis-armahan ang mga sangkot na pulis-Mandaluyong at dapat na managot ang mga ito kapag napatunayang palpak ang kanilang naging aksiyon.

“Matter will be investigated fully even if there appears to be excessive force utilized by police authorities. It is also proper that policemen involved have been disarmed and their movements restricted,” ang pahayag ni Roque.

Sampung pulis-Mandaluyong ang agad na sinibak ni Philippine National Police-National Capital Region Police Chief Director Oscar Albayalde dahil sa naganap na insidente.

Pinaulanan ng putok ng mga sangkot na pulis ang isang sasakyan na inakalang get-away car matapos i-report ng mga barangay tanod ng Brgy. Addition Hills na nasa sasakyan umano ang isang armadong suspek, subalit ang laman pala ay ang nabiktima ng suspek na dadalhin sana sa ospital. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?