6

Oct 7, 2020 @ 23:12
By

Kapalit ni Williams binaklas ng TNT

Hindi rin nakasama si Chris Javier sa final lineup ng TNT sa PBA bubble sa Clark.

Inilabas na nitong Martes ng hapon ang official lineup ng 12 teams na magbubuno sa restart ng Philippine Cup sa Linggo, Oct. 11.

Si Javier ang huling addition sa Tropang Giga, siya rin ang unang nawala sa listahan.

Nang bitawan ng Blackwater si Javier nitong nakaraang buwan, agad siyang sinalo ng TNT mula sa free agency.

Kakukumpirma lang noon na mag-re-retire na si Kelly Williams, ang puwesto niya dapat ang pupunan ni Javier.

Sa final submission, nawala rin sa 15-man roster ang big man.

Inilagay sa injury list ang 6-foot-5 big man, hindi pa raw gumagaling ang dati na niyang injury na hindi tinukoy.

Nasa lineup ni coach Bong Ravena sina Bobby Ray Parks, Simon Enciso, Harvey Carey, Poy Erram, Samboy de Leon, JJay Alejandro, David Semerad, Kib Montalbo, RR Pogoy, Jayson Castro, Troy Rosario, Lervin Flores, Almond Vosotros at Jay Washington.

Opening game ng restart sa AUF gym ang TNT laban sa Alaska ng 4 pm., bakbakan ng NLEX at Ginebra sa nightcap ng 6:45 pm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?