24

By

Kapalit ni Napa, hanap ng Letran

Pormal nang nagpaalam ang Letran kay Jeff Napa bilang head coach ng men’s basketball team matapos mapaso ang kontrata nito noong Disyembre 31.

Sa pahayag na inilabas ng Letran Sabado, nilinaw ng eskwelahan ang lahat ng usapin tungkol sa head coaching position ng kanilang koponan.

“The community of Colegio de San Juan del Letran expresses its hearty and heartfelt gratitude to Mr. Jefferson Napa, head coach of the Letran men’s basketball team, for the past three NCAA seasons. With the expiration of his contract, Letran acknowledges his most valuable contributions to the team in forming our student-athletes and building our winning culture, especially according to the ideals of the Colegio,” bahagi ng pahayag.

Kinupirma din ng Letran ang unang balitang lumabas tungkol sa pagbuo ito ng isang kumite na maghahanap ng bagong head coach ng koponan.

Ang nasabing kumite ay binubuo ng ilang school officials kasama si Alfrancis Chua, ang Special Assistant to the Rector for Sports Development.

“We ask all our alumni and friends to rally around our One Team Letran and to support our student-athletes in moving on, in moving forward, in conquering new glories for our beloved Alma Mater,” dagdag ng pahayag.

Si Letran U-17 coach RJ Guevarra muna ang punong abala sa paghahanda ng Knights sa 2019 PBA D-League at sa kampanya nito sa NCAA season 95.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?