32

Oct 14, 2021 @ 15:54
By

Kapalit ni Kabayan! Jopet Sison sasabak sa senatorial race

Si Atty. Joseph Peter ‘Jopet’ Sison ng TV show na “Kapag nasa Katwiran… Ipaglaban Mo” ang magiging kapalit ni Noli de Castro bilang senatorial candidate ng Aksyon Demokratiko.

“The 56-year-old Sison has joined Aksyon Demokratiko and will be running as a senator… Like De Castro, Sison worked for ABS-CBN as assistant executive producer of the TV legal drama series entitled “Kapag nasa Katwiran… Ipaglaban Mo,” pahayag ng Aksyon Demokratiko.

Matatandaang umatras si De Castro sa senatorial race dahil sa personal niyang dahilan.

Samantala, bagamat mas nakilala sa nasabing palabas ay hindi na baguhan sa politika si Sison dahil naging konsehal na ito sa Quezon City ng anim na taon, naging assistant general manager ng National Housing Authority (NHA) mula 2001 hanggang 2005 at pangulo ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) mula 2006 hanggang 2012.

Ang Aksyon Demokratiko ay ibabandera ng tambalang Isko Moreno at Willie Ong sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?