46

Aug 10, 2021 @ 16:50
By

Kapalaran ni Onyok ‘di mauulit sa Tokyo Olympic medalist – Go

Tiniyak ni Senador Bong Go na hindi matutulad ang mga atletang nag-uwi ng medalya mula sa Tokyo Olympics sa sinapit noon ni dating Olympian Mansueto ‘Onyok’ Velasco.

“Sa panahon ni Pangulong Duterte, binibigyan natin ng importansya, suporta at insentibo ang mga atleta natin lalo na ‘yung mga nagtagumpay sa Olympics ngayon,” sabi ni Go.

“Bigyan rin dapat natin ng karampatang pagkilala ang mga atleta nating katulad ni Onyok na nangangailangan ng tulong natin ngayon” dagdag pa ng chairman ng Senate Sports committee.

Nauna nang ibinunyag ni Velasco na hindi natupad ang ipinangako noon sa kanya ng iba’t ibang indibidwal matapos masungkit ang silver medal sa bokting sa 1996 Summer Olympics.

Sabi ni Go, naiparating na niya ang isyu kay Pangulong Duterte at inirekomenda na bigyan ng financial aid si Velaso para mapunan ang mga hindi natupad na obligasyon ng iba’t ibang grupo sa nasabing atleta.

Sa kasalukuyan, pinoproseso n ng Office of the President ang probisyon na financial assistance kay Velasco na nagkakahalaga ng P500,000.

“Kapag may binitawang salita, dapat tuparin! Iyan po ang ugali namin ni Pangulong Duterte.

Bagama’t nangyari naman ito more than twenty years ago at wala naman kaming kinalaman sa mga napangako sa kanya noon, nais ko lang hanapan ng paraan na maresolba ito sa panahon ni Pangulong Duterte,” diin ni Go.

“Nakapagdala po ng honor si Onyok sa ating bansa. Napaglipasan lang po ng panahon ang ibang mga ipinangako sa kaniya. Kaya po ako nakikiusap sa gobyerno na mabigyan siya ng konting tulong bilang pagkilala rin sa kanyang accomplishment noon,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?