45
traffic
Nov 27, 2017 @ 14:50
By

Kapalaran ng emergency powers bill, nakasalalay sa Senado – Palasyo

Nasa mga senador na ang bola kung palulusutin o hindi ang panukalang batas na magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para mabawasan o tuluyang malutas ang matinding problema ng traffic sa bansa.

Tugon ito kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa panawagan ni Senador Grace Poe na aksiyonan na ng Pangulo ang malalang problema sa traffic lalo na sa Metro Manila.

Sinabi ni Roque na naipasa na sa kamara ang Traffic Crisis Bill at naiakyat na sa senado para aksiyonan ng mga senador.

Nasa pagpapasya na aniya ng mga senador kung ipapasa o hindi ang panukalang batas na maaaring makabawas sa araw araw na kunsimisyong nararanasan ng milyon- milyong commuters sa National Capital Region at maging sa iba pang pangunahing lungsod sa bansa.

“We appreciate the concern of Senator Grace, but as of the time I left the House of Representatives, the Traffic Crisis Bill has been passed. So its awaiting action on the Senate. Reall, its the Senate’s call whether or not to enact this bill into law,” ang pahayag ni Roque.

Ang matinding traffic sa Metro Manila ay matagal ng problema ng mamamayan at sa kabila ng pagsisikap na mabawasan o malutas ito ay tila lalong lumalala dahil nadadagdagan ang mga sasakyan sa kalsada araw araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?