454

May 30, 2019 @ 13:13
By

Kapalaran maging Pangulo: Diokno viral sa pagsakay ng taxi

Isang netizen ang pumuri kay human rights lawyer Chel Diokno na matapos ang eleksyon ay tila balik-normal muli ang buhay.

Sa post ni Eric Oebanda, naispatan umano nito si Diokno na sasakay ng taxi bitbit pa ang kanyang bag at envelope.

Ibinibigay umano sa kanya ni Diokno ang taxi para sakyan ngunit pinauna na niya ang abogado.

“Bitbit niya ang kanyang trademark na bag at mga envelope, he even signaled na kunin ko na ang taxi. Sabi ko ok lang po, he then smiled at tumakbo na papunta sa loob,” saad sa post.

Ayon pa kay Oebanda, sayang umano at hindi nanalong Senador si Diokno dahil sa pagiging simple at mababang kalooban ng abogado.

“Kung gugustuhin mang tumakbo ng mamang to sa susunod na eleksiyon ikakampanya ko siya. Dahil ang mga katulad niya na napanatili ang paa sa lupa kahit siya ay mayaman, kilala at matalino ay hindi sinasayang,” saad pa ng netizen.

May pahapyaw pa ang netizen na baka kaya hindi nanalo si Diokno bilang mambabatas dahil mas bagay ito sa mas mataas na posisyon.

“Baka ang kapalaran ni Mang Chel ay hindi maging Senador, baka ang kapalaran ng mamang ito ay maging Pangulo,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?