110

Nov 28, 2020 @ 11:29
By

Kapagod isulat! Tsikiting hagulgol sa haba ng pangalan

Viral ang isang bata matapos na umiyak dahil nakakapagod isulat ang kanyang pangalan.

Sa Facebook post ng ama ng bata na si Jay Molins, binahagi nito ang pagluha ng kanyang anak dahil sa pangalang Grayven Thomas Valdez.

Sa video, nagreklamo ang tsikiting sa nanay nito at gustong palitan na ang kanyang pangalan sa ‘Boy’.

“Gusto ko Boy Valdez. Mas madali na isulat ang Boy tapos Valdez. Madali lang ‘yon,” sey ng bata.

Wala naman problema sa spelling ang bata dahil nabaybay pa nito ang kanyang pangalan, ngunit sobrang haba daw kasi ng pangalan niya kapag sinulat.

Sa ngayon ay mayroon nang 1.1 million views at 25,000 shares ang viral video.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=439221440814718&id=100041805973276

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?