33

Mar 4, 2021 @ 19:16
By

Kapag walang maarte sa bakuna, lahat bubuksan na – Duterte

Hindi magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Duterte na ganap na buksan ang ekonomiya kapag nakitang mayorya ng mga Pilipino ay magpabakuna at hindi mamimili ng gagamiting COVID vaccine.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng bagong school buildings sa East National High School at Lawang Bato National High School sa Valenzuela City nito Huwebes ng hapon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na hindi kailangang lahat ng mga Pilipino ay magpabakuna, at makita lamang na maraming nagpupunta sa vaccination centers ay bubuksan lahat.

“Pag ang every Filipino ganyan ang sitwasyon na magpabakuna na lang sila, wala nang kulang, at wala nang maraming kotso-kotso then I will reopen everything sa ating ekonomiya,” anang Pangulo.

Pero sa ngayon aniya na hindi pa nababakunahan ang mayorya ng mga Pinoy, kailangang magpigil muna lalo na sa paglabas ng mga bata.

Tiniyak ng Pangulo na gagawin lahat ng gobyerno ang paraan para mailarga ang pagbabakuna sa buong bansa para mabuksan na ang mga paaralan at unti-unting ibabalik ang face to face class.

“You have my assurance that the government will be exerting all efforts to roll out the nationwide COVID-19 Vaccination Program to enable us to reopen schools and slowly resume our face to face learning,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?