48
pacquiao1
By

Kapag sumugod si Thurman, handa mag-counter si Pacquiao

Nilatag na ni eight-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang istratehiya para talunin si WBA ‘super’ welterweight champion Keith Thurman sa kanilang laban sa darating na Linggo, Hulyo 21 (July 20 sa Amerika) sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa 40-anyos na WBA ‘regular’ welterweight titlist, sasandal siya sa kanyang bilis at footwork.

“We focused on footwork, speed, like when we were young, in the early days, they showed it to me, my speed, my head movement, footwork, I’m very happy, but it’s all about training and I think we’re very satisfied,” kwento ni Pacquiao.

Kwento pa ng Pinoy boxing idol, nasa 100 porsiyento na siya sa kanyang ika- 71st professional fight at 24th world title bout kaya hindi niya bibiguin ang mga kapwa Pinoy.

Paliwanag pa nito, kung sakaling maging agresibo ang 30-anyos na si Thurman ay handa siyang mag-counter.

“We have a strategy of counter punches because the way he throw punches is wide, wide punches is good for me to counter,” sambit pa ni Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?