613

Nov 18, 2021 @ 16:00
By

Kapag nanalong presidente: P216B ilalaan ni Robredo sa ayuda

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na sakaling manalo siyang presidente, ang unang 100 araw niya sa puwesto, itutuon niya sa pagkontrol sa pandemya at pagpapagaan ng epekto nito sa buhay ng mga tao.

Inihayag niya ito sa 47th Philippine Business Conference and Expo na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce noong Miyerkoles.

Ilalaan niya raw ang P216 bilyon sa national budget para sa pamamahagi ng ayuda.

“In our first 100 days, we will focus on addressing our most urgent problem — controlling the pandemic and mitigating its impact on our people’s lives,” aniya.

“We will set aside P216 billion in the national budget for ayuda distribution to protect families from hunger and provide them with their basic needs without being forced to go to work,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?