149

May 18, 2021 @ 11:00
By

Kapag kumalat bagong variant: Duterte nanakot ng striktong lockdown

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad ng mas striktong lockdown kung dumami pa ang matamaan ng bagong COVID-19 variant sa bansa,

Ayon sa Pangulo, kailangang maging masunurin ang publiko sa mga protocol para patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.

“Kasi pag hindi, then mapipilitan again ako na to impose lockdowns and everything at mas strikto ang gobyerno,” saad ni Duterte sa kanyang mensahe nitong Martes.

“‘Pag ‘di sumusunod, may resurgence na naman tapos new variants. Mapipilitan talaga ako mag impose ng lockdown maybe stricter this time because di natin alam anong variants yan, pag-aralan muna yan,” aniya pa.

Pinag-iingat din ni Duterte ang mga nakapagpaturok ng bakuna dahil posible pa rin silang matamaan ng COVID-19.

“It does not follow that because you have the COVID-19 vaccine, it does not follow that you cannot be sick again because you can get reinfected pati mga bagong variants ngayon which makes our job doubly hard to do,” sambit ng Pangulo.

Kakatapos lang ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna, kung saan nilagay ang NCR Plus bubble sa general community quarantine ‘with heightened restrictions’ buhat noong May 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?