27

Jun 25, 2020 @ 14:37
By

Kapag initsapuwera sa ayuda ang non-ECQ areas: SAP implementers makakasuhan

Nakaamba ang kasong kriminal laban sa mga implementor ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan kapag initsapuwera nito sa ayuda o tulong ang mga non -ECQ areas.

Babala ito ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez matapos na palagan nito ang desisyon ng inter-agency task force (IATF) base na rin sa rekomendasyon ng DSWD, na ililimita na ang pamamahagi ng second wave ng ayuda sa mga lugar lamang na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ).

Ngunit giit ni Rodriguez ang naturang desisyon at rekomendasyon ay isang paglabag Republic Act No. 11469, o ang Bayanihan to Heal as One Law.

Malinaw umano sa batas, na ang emergency financial assistance ay ibibigay sa 18 million low-income families sa loob ng dalawang buwan.

“Limiting the aid to areas covered by stricter quarantine means that poor families in most parts of the country will not receive assistance, since only Metro Manila and some parts of Cebu are under ECQ and GCQ,” ayon kay Rodriquez kasabay ng pagsasabing , “Among those who will not get aid are about 8,000 families who are my constituents in the second district of Cagayan de Oro City. We cannot stop them and other affected families from going to court to challenge the IATF decision.”

Dahil dito, paalala ng solon sa mga kinaukulang opisyal na ang Bayanihan to Heal as One Act ay nagpapataw din ng kaparusahan laban sa mga lalabag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?