47

Apr 23, 2019 @ 14:36
By

Kapag hinayaang manalo ang fake news, para na ring natalo sa eleksyon – Andanar

May pangangailangang matigil ang fake news at disinformation lalo na ngayong panahon ng kampanya para sa midterm elections.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa harap ng paninira ng mga kritiko laban sa administrasyon.

Sinabi ni Andanar na marami-raming panahon ang mga kritiko para manira at magpakalat ng fake news at kapag napaniwala ang mga tao ay para na ring natalo sa eleksyon.

“More than 90% of the entire campaign is spent on communications. So kung hayaan natin ang fake news na manalo ay we are actually allowing ourselves to be cheated by way of isang eleksyon na hindi malinis, hindi patas. Unclean, unfair na halalan which destroys basically the democratic process of electing a person,” ani Andanar.

Sinabi ng kalihim na kailangang labanan ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad ng ginagawa ni “Bikoy”.

Nakakaalarma aniya at nakakatakot na mayroong media personalities na sangkot sa pagpapabagsak sa gobyerno partikular na ang mga pangalang nakalagay sa inilabas na matrix ng Malacañang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?