189

By

Kapag ‘di siya nag-sorry magsasampa ako ng kaso – Calida kay Trillanes

Nagbanta si Solicitor General Jose Calida na magsasampa ng kaso kapag hindi humingi ng paumanhin si Senador Antonio Trillanes IV sa sinabi nitong siya ang nagnakaw ng amnesty application form ng mambabatas.

“Unless Mr Trillanes expresses his sincere apology for calling me a thief, I shall be constrained to file a criminal case for libel plus damages against him,” saad ni Calida.

Matatandaan na noong Miyerkoles, Setyembre 26, ay inakusahan ni Trillanes si Calida na ito umano ang nagtago o sumira sa nawawalang amnesty form ng una sa mga rekord.

“I have never entered the offices of the J1 or the Personnel Division of the AFP at Camp Aguinaldo so how could I ‘steal’ documents kept there?” paliwanag ni Calida.

Si Calida ang itinurong trumabaho para mabawi ang amnestiya ni Trillanes, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?