133

Dec 26, 2017 @ 16:08
By

Kantiyaw ni Panelo: Trillanes nabuhay na naman sa isyu ni Pulong

Kinantiyawan ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo si Senador Antonio Trillanes na nabuhay na naman para bumanat sa isyu ng pagbibitiw ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Sinabi kahapon ni Secretary Panelo na nakahanap na naman ng isyu si Trillanes para bakbakan ang pamilya Duterte.

Pero kahit aniya nagbitiw ang anak ng Presidente ay hindi talaga maiwasang mayroong pupuna at mayroong pupuri dahil bahagi aniya ‘yan ng tradisyon.

“Eh nakahanap na naman siya (Trillanes) ng issue, matagal na siyang namatay ‘di ba, nag-resurrect na naman,” kantiyaw pa ni Panelo.

Hindi kumbinsido si Trillanes na delicadeza ang nagbunsod kay Paolo Duterte para magbitiw sa puwesto at para sa kanya ay “BS” ang ginawa ng anak ng Pangulo.

Sinabi naman ni Panelo na si Paolo ay sensitive gaya ng kanyang ama at matalino bilang pulitiko, bilang public official at bilang family man.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?