62

May 15, 2021 @ 18:37
By

Kanta ni Bella Poarch niyanig ang mundo

Si Bella Poarch ang kasalukuyang reyna ng YouTube music.

Matapos lamang ang mahigit 24 oras ng pag-upload ng music video ng kanyang awiting “Build a B*tch” ay humakot na ito ng mahigit 18 milyon views.


Ayon sa Chart Data, isang Twitter User, ang video ang pinaka pinapanood na music video ng buong mundo sa YouTube sa huling 24 oras.

Bukod kay Poarch, nagkaroon din ng partisipasyon sa video sina Bretman Rock, video game streamer na si Valkyrae at dating porn star na si Mia Khalifa.

Sa isang tweet ay inilarawan ni Poarch ang mensahe ng awitin.

“this song isnt just any song. it means the world to me. my whole life no one has ever believed in me. i just had to believe in myself. but now i have you guys. and i’m so grateful. more than you’ll ever know. and thats why i wanted to share it with you. thanks for believing in me,” pahayag ni Poarch.


Bago mamayagpag sa YouTube ay sa TikTok muna naging reyna si Poarch, kung saan siya ay may mahigit 67.1 followers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?