13
deped
By

Kanselasyon sa National Achievement Test, nilinaw ng DepEd

Sharing is caring!

Ipinaliwanag ng Department of Education (DepEd) ang ulat na nakansela ang National Achievement Test (NAT 12) para sa mga nakapagtapos ng Grade 12.

Sa pahayag ng kagawaran, sinabi na ang pagtatakda ng petsa para sa naturang pagsusulit ay nasa pagdedesisyon ng school divisions.

Giit ng DepEd, malinaw naman sa pahayag ni Curriculum and Instruction Usec. Lorna Dino na ang schools division superintendents na ang bahala kung kailan nila itatakda ang NAT 12 sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang desisyon ay depende sa pagdating ng test materials.

Base sa unang pahayag ni Dino, sinabi nito na ang NAT 12 ay maaaring simulang isagawa sa mapipiling eskuwelahan simula ngayong araw (Abril 12).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?