25

Kanselasyon sa MRT maintenance contract, hustisya sa taxpayers

Kinatigan ng mga kongresista ang hakbang ng Department of Transportation (DOTr) na padalhan ng notice of termination ang Busan Universal Rail Inc. (BURI) para sa maintenance contract ng MRT-3.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta Partylist Rep. Jericho Nograles, kung tutuusin ay matagal na dapat itong ginawa ng gobyerno dahil sa paulit-ulit na aberya sa MRT.

Para kay Nograles, ang ginawa ng DOTr ay hustisya para sa taxpayers.

“The DOTr is finally giving justice to the taxpayers,” sabi ni Nograles.

Ganito rin ang pananaw ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na nagsabing palpak naman talaga ang trabaho ng BURI sa pagmantina ng mga tren ng MRT.

Sabi ni Zarate, “it should have been done much earlier as the company miserably failed to do its job in maintaining the MRT and have supposedly even sourced some parts they used from Bangkal.”

Kaugnay nito’y pinatitiyak ng kongresista sa gobyerno na makakasuhan ang mga opisyal ng BURI.

“Now that the maintenance contract had been terminated, we trust that charges would be filed against the officials of this company who seems to be trying to break the record of the highest number of MRT glitches and breakdowns per day,” ayon kay Zarate. Pearl Serrano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?